Mga Manloloko At Nagpapaloko
Sa mga deboto ng mga malalaking religihiyon sa atin, mapa-born again, JW, mormon o Katoliko, pinaglololoko lang kayo ng mga ignoranteng obispo at pastor ninyo para kunin ang inyong pera sa legal na pamamaraan lalo na yung sa halip na magtrabaho ng parehas e nangognotong na lang ng ikapu (aba, at may toka pa!) na para bang pinagkautangan mo o di kaya’y may patago sa iyo. Ang iba naman ay nangangailangan ng iyong “oo” sa kung ano mang mahalay na kanyang layunin, na kalimitan ay mabibilang mo sa iyong mga daliri tulad ng pagsulong ng kanyang pansariling pananaw, o kaya ay ang mapanatili at mapag-ibayo ang pansariling yaman, o kaya’y madagdagan ang pansariling kapangyarihan, o makabili ng sariling radio station para mas lalo pang dumami ang maloloko sa pamamagitan ng malawak na abot ng makabagong teknolohiya.
Hanggang maraming nagpapaloko at nagbibigay ng kanilang pinaghirapang salapi sa mga pastor a.k.a. con artists na yan, maraming darating na manloloko at magtatayo ng sariling relihiyon. Religion is big business. Higit sa lahat, tax-free at unregulated pa! Maniwala ka sa akin (to borrow the magic word), oras na bumuka ang bunganga ng mga yan para sabihin ang diyos niya ay ganito, ang diyos ay ganyan, hindi siya nagsasalita mula sa tunay na kaalaman, kundi nagto-trolling lang. Malamang sa hindi, ang kanilang layunin ay laging tugma sa kagustuhan ng kanyang diyos. Bakit nga ba? Kaya nga ba sa sandamakmak na uri ng relihiyon na yan, dapat sila lang ang totoo at tama kahit na lahat sila hindi magkakatugma, dapat maghunos dili ka sa pagtiwala at pag-abot ng abuloy, lalo na at sa malaking mansiyon na sila nakatira ngayon, malulusog at kumakain ng mga masasarap na pagkain, courtesy of the poor but gullible starving masses, mostly.
Kung meron nga bang makapangyarihang diyos, hindi na siya mangagailangan ng pera o ipagpatayo ng templo o simbahan sa lupa na mas mabuti pang sakahin at mapagkunan ng pagkain. Kung meron ngang maawaing diyos, di mo na kailangan manalangin. Kung lahat ng bagay nasusunod ayon sa kanyang kagustuhan, huwag ka ng magdasal dahil hindi mo mababago ang kanyang hilig na sabi ng ibang tinamaan ng lintek ay nakasulat na daw sa bato bago pa man daw magsimula ang panahon.
Hindi masama ang maniwala sa isang lumikha ng lupa basta huwag mo lang ipilit sa iba o gamitin ang iyong pansariling paniniwala upang gumawa ng batas o kaukulang ordinansa na nakaka-apekto sa lahat, kasama na ang hindi naniniwala na katulad ko. Kaso meron yata talagang makakapal ang mukha na tulad ng kung ano-anong pyramid scammers sa tabi-tabi dyan at aba e pinagkakitaan na ng husto ang panloloko. Sa mga tunay na naniniwala naman na hindi sumusunod sa mga pastor o kung sino mang self-proclaimed authority daw, o sa kung ano mang aklat na nasulat daw ng mayroong inspirasyon ng kanilang nilikhang diyos (kung ano man ang ibig sabihin nito) kung meron nga na diyos na super pagkabait-bait, sapat na yung ikaw ay magpakabait kahit di mo magawa. Kung meron daw diyos na alam ang lahat ng bagay sa mundo, e di hindi mo na kailangan magbihis, magpabango, magsimba kasama ng iyong girlfriend para kumanta ng papuri. Alam na niya kung ano man ang nasa isipan mo, hindi mo pa man yun nai-isip. Ano daw?!
Basta isa lang ang masasabi ko. Mas malamang sa hindi, walang diyos. Katha lang yan ng mga malikhaing isip. Maniwala ka sa akin.
Popularity: 17% [?]











July 26th, 2006 at 10:29 pm
Lost in translation……